Total Pageviews

Wednesday, May 11, 2016

A Family that TRAVELS together STAYS together

Yipee! summer na naman. One thing about my dad's family side is yung palaging meron lakaran kapag walang pasok at available lahat. Di man siguro richie rich ang family namin to go abroad pa as in "all-together", pero yung idea na sama-sama kami at masaya! Asaran, lokohan, tawa lang ng tawa hanggang sumakit ang mga panga. Bonding na walang patumangga nga raw sabi ng iba. 
It all started kay Lola. Dati Pansol lang maligaya na kami. Pero lumipas ang panahon, mas na-eenjoy namin ang beach with pool and of course yung mga private resorts para solo niyo lang ang area. Traveling raw ay magastos. Yes! pricey at times, pero yung ligaya ng bawat isa di mo mababayaran. Yung ngiti sa face at sa puso. Boom! 

Stays together? oh yes! na kahit malalayo na kami sa isa't-isa may connection pa rin. Hindi yung mag-kamag-anak nga pero parang di magkakilala. Shucks! parang di ko keri ang ganoon. 

Bakit di niyo i-try sa family niyo? I bet you, everybody will be happy at lalaking parang magkakapatid ang magpipinsan. Kailangan lang na merong isa na mag-cocoordinate. Kasi yung costing and yung division ng payments. 

Bonfire sa Baguio last January, O diba? may hotdog and marshmallows pa yan na binili namin ni Shella sa palengke
Kahit may fear of height, go pa rin wag lang titingin sa baba! hahahahaha
Mudslide in Caliraya with our bunsong pinsan, Miguel
O diba? breakfast sa kalye habang asa banyo sila ng petron
Fantasy World in Tagaytay... feeling Cinderella kami eh
See! para kaming magkakapatid. Mga babies yan ng mga cousins namin. Ang cute no!
Pag masaya...magaan dalhin ang problema
Na kahit sa elevator e sumeselfie pa rin!
Isang bus! Yeah Isang bus na puro magkakamag-anak
Mga discoveries namin na katulad nito ( haaha costume yan nung artistang nag-shooshooting that time)
 Island hopping
tulad ng ganito rin ...wow!
Mga tagong batis na kami lang ang nakakita
tagong island na walang tao
pinaka masarap sa lahat bonding with kids... chicoy is enjoying it!


So pano? hanggang dito na lang muna! This May 20-21 we will have another adventure. Kasama kayo sa adventure naming ito! See you on my next post!

  

No comments:

Post a Comment