Total Pageviews

Sunday, June 5, 2016

Why Men tend to fall on their house help....tama ba yon?

Natatawa ako while doing this. Because the first thing that comes into my mind while typing is.... Yuck! Kadiri! may ganon? at marami pang ka echosan sa utak na Eww..yaya?!? Not to degrade women who work for us at home pero ang sabi nga ng isa sa mga nakakatanda sa pamilya namin .. "E konting delikadesa naman!" [Delikadesa: Delicadeza is a Spanish term which when translated in English means daintiness. It is defined as an act of being refined or delicate in tastes or manners. But in simple terms, its commonly referred to as a sense of propriety or how to behave rightly in all circumstances. It is in essence an etiquette that was passed on to us as a legacy of the Spanish culture.] O ayan! alam niyo na ang meaning ng Delikadesa. 

Pero ang tanong din siguro ng marami, tulad ko, bakit nga ba mayroong ganoon? Sineduce ba sila ni yaya? talaga bang mayroon silang relasyon ni ate? literal na "mataas ang libido" ni kuya? literal na "makati si manang", nakita ni kuya ang wala sa asawa niya kay nanny?, nilasing ni ate si kuya etc... etc.. Ang mahirap sa kalakaran ngayon, palaging asar-talo ang among babae, kasi mayroon ng republic act... kiyeme..kiyeme tungkol sa pag-aalaga ng ating mga ka-yayahan sa bahay. Di ba naisip ng Pinas na kailangan ding gumawa ng batas para sa kasambahay na mahilig pumapel at mahilig uma-naconda ng among lalaki sa among babae. If I know, mukha namang kirarabels naman at katol na katol. What are those? Oh well, i-google na lang search on gay lingo or sward speak. Hahahahahaha. 

By nature, napaka-swerte na lang ng isang girlaloo kung ang makukuha niyang jowa foreverloo ay sa kanya lang tumataas ang libido. Meaning....o alam niyo na! Ke-hipon pa ang babae, basta may vjayjay..gorabels. 

Question 101: Paano kaya nakukuha ni Kuya makipag-lips-to-lips? Omg! and the fez..I'm not saying maganda ako, pero just come to think of it? what if kung may labintador pa ang bibig at kilimode? diba? and come to think also si misis, bonggabels kung kumayod para sa lahat sa pamilya, matalino, maganda etc.. tapos ganon lang? 

Ayon sa isang article na nabasa ko, Men tend to fall to their househelp raw e it's because they see things or behavior that they did not see with their wives or common-law-partners for many years. That's bullshit! Di naman sa humu-who-goat. Wala pa akong asawa by the way so I dont think humu-who-goat ako. Let's say, O sige na nga, pero di pa rin excuse siya to be an atchay-killer. Kaya nga nilagay ni God ang brain sa head meaning siya ang unang gagamitin.. hindi yung head sa baba. Hahahaha. 

Nakakafrustrate, very disappointing and depressing for us women, kung ang mga jowakels namin e ganoon. Para bang di ka na binigyan ng kahihiyan at the same time, we have given all our best for you men to be on where you are tapos pag-papalit ka lang sa isang anacondang katol. Just because umarangkanda lang si manoy! 

Sa karamihan na ngayon, kahit hirap ang mga mudrakels at kababaihan sa kanilang mga oras sa trabaho at bahay, wala ng gustong kumuha ng mga kasambahay dahil nga sa mga ganoong kwento. Siyempre bilang babae, gusto lang din ng karamihan na maganda ang kanilang pamilya at mai-layo ang mga asawa sa mga ganoong kasambahay na dinaig pa ang isang pocahontas sa mga red streets. 

Sa mga lalake diyan o among lalake na mahilig sa mga katol, pano kung si misis naman ang pumatol kay drayber? o houseboy? kayanin niyo kaya? lalo na kung alam na alam niyo sa sarili niyo na you dont deserve that kasi alam mong magaling ka at mahal mo siya?

Ang tangi ko lang masasabi para matapos ko na ito eh.. KONTING DELIKADESA LANG. Kung di talaga kayang pigilan ang pag-arangkada ni Manoy.. Sus! gawan ng paraan at huwag ng pumasok sa paraan na kahit ikaw mismo e di mo kayang i-defend sa sarili mo, sa misis mo at lalong lalo na sa mga anak mo pag dumating ang panahon ng pagsingaw ng utot. Hahahahaha di ba may kasabihan nga... walang UTOT ang di naaamoy.

P.S.  Inspired by small chat with sister and aunt last night

No comments:

Post a Comment