Total Pageviews

Wednesday, May 25, 2016

When is Obedience ...Obedience?

Kelan nga ba ang pagsunod e pagsunod? Ang hirap ano? Sa katulad kong tahimik, walang kibo, oo lang ng oo. May mali pala doon. Kasi darating ang panahon na ang sarili mong mga mahal sa buhay ay di ka na rin mabibigyan ng value bilang tao. Para bang eto hanggang dito ka lang. Para bang makina ka na lang ang tingin mo sa sarili mo o yung bang nakikipamilya na lang ang feeling mo sa sarili mong loved ones. Dumarating din pala sa isang tao ang sagarang heartaches, na parang wala na ka na lang magawa "kasi eh" . Pero sa totoo lang hirap ka na. Noon hirap na hirap ka i-ends meet ang budget kahit ang ganda ng trabaho mo kasi sa dami ng tao nakatira sa iyo ng libre. Kuryente, cable, telepono, pagkain, repairs...lahat para bang salo mo na ang buong mundo. Di ka naman makahirit ng reklamo. Ngayon hirap ka pa rin i-ends meet kasi, nawalan ka ng freelance job. Na kahit papano ay nakakabuhay ng isang tao o pamilya. Pero walang tumutulong sayo. Kapag pala ang isang tao, nasaid ang yaman sa sarili bilang na bilang na lamang ang magiging kaibigan at swerte mo kung may isa man sa tinulungan mo o pinatira mo ang sumama sayo. Ngayon ko napapatunayan na ang buhay ay gamitan lang pala ano? Habang may silbi ka, ikaw ang pina magaling sa lahat kung baga MVP. Most Valuable Player ika nga. Kapag walang wala ka na at natitira na lamang sayo e kakapiraso... swerte mo nkung meron pa nga.. Una-unahan pa ang mga taong minahal mo, inaruga mo, binigyan mo ng buhay, binigyan mo ng pagkakataon makilala ang mga bagay na di nila alam noon..na mag-iiwas na para kang may putok o worst kunwari di ka kilala.

Lahat pala ng bagay may hangganan. Lahat din pala ng bagay pwede mong magawa kapag desperado ka na. Yung bang pinipilit mong maging nasa Tuwid na Daan ka.. pero walang mag-akay sayo sa Tuwid na Daan na yun kundi ang malugmok ka sa dumi para kumita lang.Marami ring mga offer na di ka makapaniwala sa sarili na oferan ka ng ganoon e di ka naman kasing ganda ng Ms. Universe. Ngayon ko naintindihan na ang buhay ay mahirap. Nasa iyo na lang kung paano mo paliligayahin ang iyong sarili para naman di boring ang life.


Para sa mga bagong magulang pa lamang.. gawing mahusay ang pagpapalaki sa mga anak. Laging tandaan kung ano man ang misunderstanding niyong mag-asawa ay sa inyo lang. Para naman sa pakiki-apid, at kung hindi talaga maiiwasan na gawin niyo iyon itago ng maiigi na di malalaman ng kung sino lalo na miyembro ng pamilya.  Laging isipin ang mga anak ay anak. Kung Ano man ang gawin anak sa iyo pa rin babalik yan dahil kayo ang kinilala niyang pamilya.. kaya wag murahin..kutyain...o ipagtabuyan.

Mahirap sa isang tao ang di paniwalaan ng sariling mahal sa buhay. Paano kung kayo na lang pala ang inaasahan niyang makakaintiiindi sa kanya? Mahirap din yung lahat ginawa ng isang tao maitaguyod lang ang pamilya sa buhay na mahirap tapos para sa iyo pala wala lang siyang kwenta.

Bakit ko ito naisulat? na-ispire lang ako sa kinuwento ng isang kaibigan kong matalik at sana ay maging aral sa ating lahat na di sa lahat ng pagkakataon ay "you agree" dapat marunong ka rin mag -disagree para sa kabutihan ng puso mo at ng pagkatao mo at di ka maging biktima sa huli.



No comments:

Post a Comment