Total Pageviews

Friday, May 13, 2016

10 ways how to be happy being S-I-N-G-L-E.

Madaling sabihin pero mahirap kapag ikaw na ang nasa sitwasyon. True. Madaling sabahin para sa mga single na kasama pa ang pamilya nila sa kaniya-kaniyang bahay. pero pag nag-sosolo ka na, kung may maganda kang work no problem sa payment ng facilities...your main problem will be kausap at boredness. Lalo na kung di ka sanay na walang kausap. at halimbawa sociable kapa. Dun papasok ngayon na "Ah! ganito pala ang buhay ng mga matatandang dalaga! sh@*^%! nakakaloka! 

Sabi nga ng nakararami, "Experience is the best teacher!" Gosh! totoo siya no joke! And with that, I want to share all the things that made me survive the "loneliness" of being a single. 

1. Kausap - para sa mga tulad ko na mahilig ng may kakwentuhan, since you're alone at home, you can talk to your dog if you want, pero be sure to be discreet, kasi baka sabihin ng kapitbahay mo nasisiraan ka na. And make it a point that you join groups kahit sa kapitbahayan lang para di ka nababato. Pagtawag rin sa mga friends or relatives locally and abroad can make good things too! Ma-ee-enjoy mo yung every moment at the same time bonding na rin. TIME. 

2. Household chores - kung kaya pa ng powers mo, make yourself busy with your assignments at work kung meron man o household chores. I bet you, for some time you will be proud of yourself that you feel you're like wonder woman, kasi sanay na sanay ka sa mga chores na ito. 

3. Music - Sabi nga ng Uncle ko, if you feel bored, listen to good music, later on sumasayaw ka na o kumakanta. 

4. Watch feel good movies - yes! something positive mamaya lang kinikilig ka na and you will never forget the good scene that made you giggly. 

5. Walk the Dog - para ka lang din nag wawalk ng baby sa stroller sa cute. Who knows maka-meet ka pa ng gwapong nag-jojogging. 

6. Eat Out - ke Mini Stop lang yan, Mc Donald's or talagang fine dining --kung kaya ng budget, aba! e sa una siguro you will feel awkward alone, pero later on you will find out your enjoying every moment of yourself being alone. 

7. Exercise or Play an instrument - Oh yes! since swimming is what I know ever since it's like I went back to my old me. Swimming. Refreshed ka pa sa init ng summer at magiging healthy ka pa. And since I know how to play piano, I do it once in a while. I play songs that I know. 

8. Shop or Window shopping - Lahat naman tayo favorite yan eh diba! Magugulat ka na lang OMG! gabi na pala, shempre matutulog ka na lang sa pagod. 

9.  Enjoy the gift of Nature - Grabe! nung kasagsagan ko bilang employee sa mga different International Schools. Hindi ko na nakikita ang araw. Sabi ko nga sa sarili ko Pucha! anak ba ako ni Dracula? Kaya nung na-try kong maglakad sa isang park within the area kung saan ako nakatira, tapos nag-apak sa grass, tapos nakikita ko ang fluffy clouds and clear weather at araw at feel na feel ko ang hangin... Wow! Thank you Lord na lang ang lumalabas sa bibig ko many times. 

10. Play and Laugh and Blog- Play with your nieces or nephews or little kids of your friends. They are a big help. Masarap tumawa ng umiiyak ka na sa kakatawa. And to note everything i-blog who knows may ma-learn ang readers mo.

If you are going to do the addition of all these.. iisa lang siya lahat.. ika nga "BE PRODUCTIVE!" lagyan mo na lang ng konting sprinkle of love. Para may glow diba? O siya sa uulitin. See you next time! 


No comments:

Post a Comment